Skip to content
No active emergency alerts•Emergency hotlines
OCM - Community E-Center

ESPESYAL NA KAHILINGAN PARA SA PAGSASANAY SA DIGITAL LITERACY (KASANAYANG DIGITAL)

Ang serbisyong ito ay naglalayong makatulong sa paglinang ng mga mamamayang may kakulangan sa kaalaman sa paggamit ng digital na teknolohiya sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng pagkakataong makakuha ng bagong kaalaman at kasanayan sa paggamit ng iba't ibang aplikasyon sa kompyuter.

SimpleExternal serviceG2C

At a glance

Before you begin

Service classification

Simple

Service sector

Sustainable Education and Youth Development

Prepare your documents

Checklist of requirements

Bring the listed documents and secure them from the indicated office or source.

RequirementWhere to secure
Liham ng Kahilingan na inaprubahan ng Punong Ehekutibo ng Lokal na Pamahalaan (Local Chief Executive) – (1 orihinal na kopya)Tanggapan ng Punong Lungsod

What happens next

Process, fees, and timeline

Follow the citizen and agency steps in order. Processing time may depend on complete submissions.

Citizen / client stepsAgency actionFeesProcessing timePerson responsible
1
Magtungo sa Tanggapan ng Community eCenter upang humiling ng impormasyon tungkol sa Pagsasanay sa Digital Literacy at sa posibleng iskedyul ng pagsasanay.
—wala——
↳ 1.1
—
Tanggapin ang kliyente at magsagawa ng paunang panayam upang makuha ang profile at malaman ang layunin ng kanyang pagbisita. Ipaalam sa kliyente ang mga available na petsa na maaaring pagpilian upang matugunan ang kahilingan para sa pagsasanay. Ipaalam din sa kliyente na maghanda ng liham ng kahilingan na ipadadala sa Punong Lungsod.wala15 minutesMarvin Jacela
2
Maghanda ng liham na nakalaan para sa Punong Lungsod na humihiling ng Pagsasanay sa Digital Literacy sa napagkasunduang petsa, at isumite ito sa Tanggapan ng Punong Lungsod para sa pag-apruba.
—wala——
↳ 2.1
—
Tanggapin ang liham ng kahilingan.wala1 working dayOffice of the City Mayor
3
Magbigay ng kopya ng aprubadong liham ng kahilingan sa Tanggapan ng Community eCenter (CeC).
—wala——
↳ 3.1
—
Tanggapin ang kopya ng aprubadong liham ng kahilingan at beripikahin ang petsa ng pagsasanay na nakasaad dito batay sa iskedyul ng pagsasanay na itinakda ng tanggapan.wala5 minutesAdrian Cabuyao
4
Magtungo sa Tanggapan ng Community eCenter upang magtanong tungkol sa Pagsasanay sa Digital Literacy.
—wala——
↳ 4.1
—
Tanggapin ang kliyente at ituro na magtungo sa silid-pagsasanay at maghintay hanggang sa dumating ang iba pang mga kalahok.wala3 minutesAdrian Cabuyao
5
Sagutan ang Enrollment Form at iba pang kinakailangang dokumentong may kaugnayan sa pagsasanay, pagkatapos ay isumite ang mga ito sa tumatanggap na kawani.
—wala——
↳ 5.1
—
Tanggapin ang Enrollment Form at tiyakin na kumpleto ang mga impormasyong nakasaad dito. Itala at i-file ang Enrollment Form, at ipaalam sa mga kalahok ang susunod na hakbang.wala10 minutesAdrian Cabuyao
6
Dumalo sa aktuwal na pagsasanay.
—wala——
↳ 6.1
—
Isasagawa at pamamahalaan ng kawani ng Community eCenter (CeC) ang pagsasanay.wala7 hours and 30 minutesMarvin Jacela
7
Kapag natapos na ang pagsasanay magbibigay ng Learning & Development Evalauation Form upang sagutan ng mga kalahok.
—wala——
↳ 7.1
—
Matapos na ito ay masagutan ito ay kunkunin ng Kawani ng tanggapan.wala17 minutesAdrian Cabuyao

This digital guide reflects the Citizen’s Charter records published by the City Government of Tayabas. Offices may request additional supporting documents when required by law or by the particulars of a transaction.