Skip to content
No active emergency alerts•Emergency hotlines
Office of the Human Resource Management Officer

KAHILINGAN PARA SA PAGKALTAS NG PAG-IBIG MP2 SAVINGS AT PAGTAAS NG HALAGA NG PAG-IIBIG REGULAR SAVINGS

Ang MP2 Savings ay isang espesyal na programa sa pag-iimpok na may limang (5) taong maturity period, na idinisenyo para sa mga miyembro ng Pag-IBIG Fund na nais mag-ipon nang higit at kumita ng mas mataas na dibidendo, bukod pa sa kanilang Pag-IBIG Regular Savings. Maaari humiling ang mga empleyado ng LGU sa HRMO na magkaltas ng kanilang MP2 Savings mula sa kanilang sahod.Gayundin, maaari ding magpadagdag ng kaltas ang mga emplyeado para sa kanilang PAG-iBIG Regular Savings

SimpleInternal serviceG2G

At a glance

Before you begin

Service classification

Simple

Service sector

Core Governance and Institutional Development

Prepare your documents

Checklist of requirements

Bring the listed documents and secure them from the indicated office or source.

RequirementWhere to secure
MP2 Savings Application form with Account Number (1 orihinal)Pag-IBIG o maaaring mag-enroll online sa https://www.pagibigfundservices.com/MP2Enrollment/
Liham ng Kahilingan para sa Pagkaltas ng MP2 Savings na nagsasaad ng halagang kakaltasin at kung kailan ito magsisimulang kaltasin (1-orihinal)Kliyente
Liham ng Kahilingan para sa Pagtaas ng Halaga ng PAG-IBIG Regular Savings na ibabawas sa Sahod (1 orihinal).Kliyente

What happens next

Process, fees, and timeline

Follow the citizen and agency steps in order. Processing time may depend on complete submissions.

Citizen / client stepsAgency actionFeesProcessing timePerson responsible
1
1. Para sa MP2 Savings, magsumite ang aplikante ng MP2 Savings Application Form na may Account Number, kasama ang Liham ng Kahilingan para sa Pagkaltas ng MP2 Savings.

Para naman sa Regular Savings, magsumite ng Liham ng Kahilingan para sa Pagtaas ng Halaga ng PAG-IBIG Regular Savings.
—wala——
↳ 1.1
—
Suriin at tanggapin ang MP2 Savings Application Form na may Account Number, kasama ang Liham ng Kahilingan para sa Pagkaltas ng MP2 Savings at Pagtaas ng Halaga ng PAG-IBIG Regular Savings.wala2 minutesRaicelonia Calabano
↳ 1.2
—
Magbibigay ang HRMO Staff ng pagkukuwenta ng Net Take-Home Pay ng empleyado bilang batayan ng pag-apruba ng Agency Authorized Officer (AAO) sa pagkaltas ng MP2 Savings at pagtaas ng PAG-IBIG Regular Savings na ibabawas sa kanilang sahod.wala5 minutesRaicelonia Calabano
↳ 1.3
—
Ipapasa ng HRMO Staff ang kahilingan sa Human Resource Management Officer para sa pag-apruba.wala2 minutesRaicelonia Calabano
↳ 1.4
—
Aaprubahan o tatanggihan ng Human Resource Management Officer ang kahilingan batay sa kuwenta ng Net Take-Home Pay.wala5 minutesMary Jane Calupig
↳ 1.5
—
Kapag naaprubahan na, ipagbibigay-alam ng HRMO Staff sa humiling ang pag-apruba sa pagkaltas ng MP2 Savings mula sa kanyang sahod at pagtaas ng halaga ng PAG-IBIG Regular Savings.wala2 minutesRaicelonia Calabano

This digital guide reflects the Citizen’s Charter records published by the City Government of Tayabas. Offices may request additional supporting documents when required by law or by the particulars of a transaction.