Skip to content
No active emergency alerts•Emergency hotlines
Office of the City Legal Officer

LEGAL NA REPRESENTASYON (LEGAL REPRESENTATION)

Ang City Legal Office ay nagbibigay ng legal na representasyon sa Pamahalaang Lungsod ng Tayabas at mga opisyal nito sa kanilang opisyal na kapasidad kaugnay ng mga kasong kinakaharap sa hukuman at iba pang kaukulang paglilitis. Kabilang dito ang paghahanda ng mga kinakailangang legal na dokumento, pagdalo sa mga pagdinig, at pagbibigay ng legal na gabay sa buong proseso. Isinasagawa ito alinsunod sa umiiral na batas at mga tuntunin sa pamamaraan.

Highly TechnicalInternal serviceG2G

At a glance

Before you begin

Service classification

Highly Technical

Service sector

Disaster Preparedness, Safety, Peace and Order

Prepare your documents

Checklist of requirements

Bring the listed documents and secure them from the indicated office or source.

RequirementWhere to secure
Sulat kahilingan para sa legal na representasyon, na nakalaan sa City Legal Officer (1-orihinal)Humihiling na Tanggapan/ Kliyente
Kumpletong detalye ng kaso, kabilang ang case number, mga partido, at mga kaugnay na dokumento (1 orihinal o photocopy ng bawat dokumento)Humihiling na Tanggapan/ Kliyente
Iba pang dokumento o impormasyon na maaaring kailanganin kaugnay ng kasoHumihiling na Tanggapan/ Kliyente

What happens next

Process, fees, and timeline

Follow the citizen and agency steps in order. Processing time may depend on complete submissions.

Citizen / client stepsAgency actionFeesProcessing timePerson responsible
1
1. Isumite ang sulat kahilingan para sa legal na representasyon kasama ang mga kaugnay na dokumento at detalye ng kaso.
—wala——
↳ 1.1
—
Tanggapin ang sulat kahilingan, suriin ang pagkakumpleto ng mga kalakip na dokumento, itala sa logbook, at ipasa sa City Legal Officer.wala10 minutesSophia Leanne Hari
↳ 1.2
—
Suriin ang kahilingan at mga kaugnay na dokumento at tukuyin ang nararapat na hakbang kaugnay ng kahilingan para sa legal na representasyon.wala10 minutesChristopher Juniar
2
Magbigay ng mahahalagang impormasyon, dokumento, at iba pang detalye na may kaugnayan sa kaso, kung kinakailangan.
—wala——
↳ 2.1
—
Makipagpulong sa kliyente upang talakayin ang kaso, saklaw ng legal na representasyon, mga kinakailangang hakbang, at iba pang mahahalagang bagay na may kaugnayan sa paglilitis.wala1 hourChristopher Juniar
↳ 2.2
—
Ihanda at isumite ang mga kinakailangang pleading, mosyon, liham, at iba pang legal na dokumento, alinsunod sa mga itinakdang deadline at tuntunin ng hukuman o kaukulang ahensiya.wala30 calendar daysChristopher Juniar
3
Makipag-ugnayan sa nakatalagang abogado para sa mahahalagang impormasyon at update kaugnay ng kaso.
—wala——
↳ 3.1
—
Magbigay ng kaukulang update at panatilihin ang maayos na komunikasyon sa kliyente hinggil sa takbo ng kaso, kung kinakailangan.wala10 minutesChristopher Juniar
↳ 3.2
—
Magbigay ng kopya ng mga kaugnay na dokumento sa kliyente, kung naaangkop.wala5 minutesSophia Leanne Hari
4
Dumalo sa mga pagdinig o conference kapag kinakailangan at alinsunod sa abiso o utos ng hukuman o kaukulang ahensiya.
—wala——
↳ 4.1
—
Dumalo at kumatawan sa Pamahalaang Lungsod o sa kaukulang opisyal sa mga pagdinig, conference, at iba pang kaugnay na proceedings.wala4 hoursChristopher Juniar
5
Tanggapin ang mga kaukulang dokumento o abiso hinggil sa kaso, kung mayroon.
—wala——
↳ 5.1
—
Ibigay sa kliyente ang mahahalagang dokumento, desisyon, order, o iba pang abiso kaugnay ng kaso, kung kinakailangan.wala5 minutesSophia Leanne Hari
Dumalo sa susunod na pagdinig, conference, at iba pang kaugnay na proceedings gayundin ang paghahanda ng mga kaugnay na dokumento kung kinakailangan.

This digital guide reflects the Citizen’s Charter records published by the City Government of Tayabas. Offices may request additional supporting documents when required by law or by the particulars of a transaction.