Skip to content
No active emergency alerts•Emergency hotlines
Office of the Human Resource Management Officer

APLIKASYON PARA SA TRAVEL ORDER

Isang pormal na kahilingan na isinusumite ng isang empleyado o opisyal upang humingi ng awtorisasyon na bumiyahe para sa opisyal na gawain, maging sa loob o labas ng nasasakupan, para sa layunin ng pagdalo sa mga pagpupulong, kumperensiya, pagsasanay, seminar, opisyal na gawain, o pagsasagawa ng iba pang awtorisadong tungkulin ng pamahalaan. Ang Travel Order ay nagsisilbing opisyal na awtorisasyon para sa paglalakbay ng empleyado at naglalaman ng layunin, destinasyon, mga sakop na petsa, at iba pang mahahalagang detalye ng opisyal na paglalakbay.

SimpleInternal serviceG2G

At a glance

Before you begin

Service classification

Simple

Service sector

Core Governance and Institutional Development

Prepare your documents

Checklist of requirements

Bring the listed documents and secure them from the indicated office or source.

RequirementWhere to secure
Liham o Komunikasyon na Nagsasaad ng Layunin ng Paglalakbay (1 orihinal/ photocopy)Kliyente
Para sa Learning and Development (L&D) Interventions – L&D Nomination Form na wastong inaprubahan ng Personnel Development Committee (1 orihinal )Human Resource Management Office/Personnel Development Committee (PDC) Secretariat

What happens next

Process, fees, and timeline

Follow the citizen and agency steps in order. Processing time may depend on complete submissions.

Citizen / client stepsAgency actionFeesProcessing timePerson responsible
1
Isumite ang Travel Order Form at ang mga kinakailangang kalakip na dokumento.
—wala——
↳ 1.1
—
Tatanggapin ng HRMO Staff ang Travel Order Form, susuriin ang pagkakumpleto ng mga kalakip na dokumento, at titiyakin ang bisa at pagiging angkop ng kahilingan para sa paglalakbay.wala3 minutesBaby Gilda Quinto
↳ 1.2
—
Kung ang kahilingan para sa paglalakbay ay wasto at kumpleto ang mga kalakip na dokumento, itatala ng HRMO Staff ang mga detalye ng paglalakbay at magtatalaga ng Travel Order Number.wala5 minutesBaby Gilda Quinto
↳ 1.3
—
Lalagdaan ng Human Resource Management Officer ang Travel Order bilang rekomendasyon para sa pag-apruba ng City Mayor o Vice Mayor.wala10 minutesMary Jane Calupig
↳ 1.4
—
Ipadala ang Travel Order sa Tanggapan ng City Mayor/Vice Mayor para sa pag-apruba.wala10 minutesBaby Gilda Quinto
↳ 1.5
—
Kapag naaprubahan na, irerelease ng HRMO Staff ang Travel Order sa kliyente.wala2 working daysBaby Gilda Quinto

This digital guide reflects the Citizen’s Charter records published by the City Government of Tayabas. Offices may request additional supporting documents when required by law or by the particulars of a transaction.