Skip to content
No active emergency alerts•Emergency hotlines
Office of the Human Resource Management Officer

PAGHINGI NG CERTIFICATE OF EMPLOYMENT, SERVICE RECORD, AT IBA PANG SERTIPIKASYON

Ang Service Record ay isang opisyal na dokumento na inilalabas ng isang ahensya ng pamahalaan na nagpapatunay sa kasaysayan ng serbisyo ng isang empleyado sa pamahalaan, kabilang ang mga posisyong hinawakan, katayuan ng appointment, at kaukulang mga panahon ng serbisyo. Ito ay nagsisilbing patunay ng pagiging empleyado sa pamahalaan at ginagamit para sa iba’t ibang opisyal na layunin tulad ng aplikasyon sa trabaho, mga claim para sa pagreretiro at paghihiwalay sa serbisyo, mga transaksyon sa GSIS, pagkukuwenta ng haba ng serbisyo, at iba pang transaksyon. Samantalang ang Certificate of Employment (COE) o Sertipiko ng Pagpapatunay ng Trabaho ay isang opisyal na dokumento na inilalabas ng isang employer o ahensya upang patunayan na ang isang tao ay kasalukuyan o naging empleyado nito. Karaniwang nakasaad dito ang pangalan ng empleyado, posisyon, uri o status ng employment, at panahon ng pagkakatalaga o serbisyo.Ginagamit ang COE bilang patunay ng employment para sa mga layunin tulad ng aplikasyon sa trabaho, loan o bank transactions, visa application, at iba pang opisyal na transaksyon. Nag-iisyu din ang HRMO ng iba pang sertipikasyon. Ang mga ito ay nagsisilbing opisyal na pagpapatunay ng HRMO sa mga tala at impormasyong may kaugnayan sa employment at government service ng isang empleyado, at ginagamit bilang supporting documents sa iba’t ibang benepisyo, at administratibong transaksyon.

SimpleInternal serviceG2G

At a glance

Before you begin

Service classification

Simple

Service sector

Core Governance and Institutional Development

Prepare your documents

Checklist of requirements

Bring the listed documents and secure them from the indicated office or source.

RequirementWhere to secure
Freedom of Information (FOI) form (1 orihinal)Human Resource Management Office

What happens next

Process, fees, and timeline

Follow the citizen and agency steps in order. Processing time may depend on complete submissions.

Citizen / client stepsAgency actionFeesProcessing timePerson responsible
1
Punan at isumite ang Freedom of Information (FOI) Form para sa kahilingan ng Service Record/Certificate of Employment/Certificate of Leave Balance/ Ibang Sertipikasyon.
—wala——
↳ 1.1
—
Tatanggapin ng HRMO Staff–System Administrator ng PMIS ang Freedom of Information (FOI) Form.wala3 minutesAira Tabernilla, Laarnie Palambiano
↳ 1.2
—
Kunin mula sa database ang mga tala o datos ng empleyado.wala5 minutesAira Tabernilla, Laarnie Palambiano
↳ 1.3
—
Ihanda at i-print ang Service Record, Certificate of Employment, Certificate of Leave Balance at iba pang mga sertipikasyon.wala5 minutesAira Tabernilla, Laarnie Palambiano
↳ 1.4
—
Susuriin at lalagdaan ng Pinuno ng tanggapan ng HRMO ang Service Record, Certificate of Employment, Certificate of Leave Balance, at iba pang mga sertipikasyon.wala10 minutesMary Jane Calupig
↳ 1.5
—
I-release sa kliyente ang Service Record/Certificate of Employment/ Certificate of Leave Balance at iba pang mga sertipikasyon.wala5 minutesAira Tabernilla, Laarnie Palambiano

This digital guide reflects the Citizen’s Charter records published by the City Government of Tayabas. Offices may request additional supporting documents when required by law or by the particulars of a transaction.