Skip to content
No active emergency alerts•Emergency hotlines
Office of the Information Officer

LOST AND FOUND ASSISTANCE SERVICES

Ang serbisyong ito ay tumutulong sa paghahanap at pagsasauli ng mga nawawala at napupulot na gamit sa nasasakupan ng lokal na pamahalan ng tayabas Layunin nito na matulungan ang mga mamamayan na mahanap at mabawi ang kanilang mga nawawalang gamit at matiyak na mapabalik ito sa tamang nagmamay-ari.

SimpleExternal serviceG2C

At a glance

Before you begin

Service classification

Simple

Service sector

Core Governance and Institutional Development

Prepare your documents

Checklist of requirements

Bring the listed documents and secure them from the indicated office or source.

RequirementWhere to secure
Ipakita ang Balidong ID ng taong mag-uulat o kukuha ng nawawalang gamitKliyente
Detalyadong paglalarawan ng nawawalang gamit, kabilang ang tatak, kulay, laki, o iba pang natatanging palatandaan at kung saan, kailan ito napulotKliyente
Katibayan ng pagmamay-ari, sa kung sino man ang kukuha o mag-claim ng nasabing gamit/kagamitan at iba paKliyente

What happens next

Process, fees, and timeline

Follow the citizen and agency steps in order. Processing time may depend on complete submissions.

Citizen / client stepsAgency actionFeesProcessing timePerson responsible
A. Para sa pag-uulat ng nawawalang gamit
1
Lumapit sa CICRO at ipagbigay-alam ang tungkol sa nawawalang gamit.
—wala——
↳ 1.1
—
Tatanungin ang kliyente tungkol sa detalye ng nawawalang gamit, tulad ng uri, kulay, tatak, natatanging palatandaan, at lugar kung saan ito huling nakita.wala10 minutesOffice of the Information Officer
2
Ibigay ang kinakailangang impormasyon tungkol sa nawawalang gamit at ang sariling impormasyon para sa pakikipag-ugnayan.
—wala——
↳ 2.1
—
Itatala ang mga detalye ng nawawalang gamit at susuriin kung may katulad na gamit na naipasa o naitala sa Lost and Found Logbook.wala5 minutesOffice of the Information Officer
3
Kunin ang impormasyon kung may natagpuang gamit na tumutugma sa iniulat na nawawala.
—wala——
↳ 3.1
—
Ipapaalam sa kliyente kung may natagpuang gamit na maaaring tumugma sa kanyang iniulat at ibibigay ang mga susunod na hakbang para sa pag-claim nito, kung mayroon.wala5 minutesOffice of the Information Officer
B. Para sa pagsusumite ng napulot na gamit
4
Dalhin at isumite sa CICRO ang napulot na gamit.
—wala——
↳ 4.1
—
Tatanggapin at susuriin ang kondisyon at pagkakakilanlan ng napulot na gamit.wala10 minutesOffice of the Information Officer
5
Ibigay ang impormasyon tungkol sa lugar, petsa, at oras kung kailan at saan napulot ang gamit.
—wala——
↳ 5.1
—
Itatala ang mga detalye ng napulot na gamit at impormasyon ng taong nagsumite nito sa Lost and Found Logbook.wala5 minutesOffice of the Information Officer
6
Ibigay ang mga kinakailangang detalye at pirmahan ang talaan bilang patunay ng pagsusumite.
—wala——
↳ 6.1
—
Bibigyan ang kliyente ng kumpirmasyon na natanggap ng tanggapan ang napulot na gamit. Pagkatapos, iingatan ito habang hinihintay na mahanap o ma-claim ng tunay na may-ari.wala5 minutesOffice of the Information Officer
C. Para sa pagkuha o pag-claim ng napulot na gamit
7
Lumapit sa CICRO at ipagbigay-alam na nais kunin ang naiulat o napulot na gamit.
—wala——
↳ 7.1
—
Tatanungin ang kliyente tungkol sa nawawalang gamit at susuriin ang talaan upang matukoy kung may tumutugmang gamit na nasa pangangalaga ng tanggapan.wala10 minutesOffice of the Information Officer
8
Ilarawan ang nawawalang gamit at magpakita ng katibayan ng pagmamay-ari, kung mayroon.
—wala——
↳ 8.1
—
Susuriin at paghahambingin ang impormasyong ibinigay ng kliyente sa mga detalye ng napulot na gamit upang matiyak na siya ang tunay na may-ari.wala5 minutesOffice of the Information Officer
9
Pirmahan ang kaukulang talaan bilang patunay ng pagtanggap sa gamit.
—wala——
↳ 9.1
—
Isasauli ang napulot na gamit matapos mapatunayan ang pagmamay-ari at itatala ang petsa ng pagsasauli at pangalan ng kumuha sa Lost and Found Logbook.wala5 minutesOffice of the Information Officer

This digital guide reflects the Citizen’s Charter records published by the City Government of Tayabas. Offices may request additional supporting documents when required by law or by the particulars of a transaction.