At a glance
Before you begin
Service classification
Simple
Service sector
Disaster Preparedness, Safety, Peace and Order
Prepare your documents
Checklist of requirements
Bring the listed documents and secure them from the indicated office or source.
| Requirement | Where to secure |
|---|---|
| Puting kopya ng Traffic Citation Ticket (TCT) at orihinal na kopya ng resibo ng pagbabayad (1 original) | Mga drayber/operator na nasita o nahuli |
| Kung sakaling mawala ang TCT, Freedom of Information Request Form (FOIRF) (1 original) | Traffic Operations Office/Frontline Service |
| Kung wala ang nahuling lumabag sa batas trapiko, liham ng awtorisasyon (1 original) | Mga drayber/operator na nasita o nahuli |
| Anumang balid na government-issued ID ng nahuling lumabag sa batas trapiko na wala (1 photocopy) | Mga drayber/operator na nasita o nahuli |
| Kung kokontrahin ang pagkakahuli/paglabag, puting kopya ng Traffic Citation Ticket (TCT) at mga kalakip na katibayan (1 photocopy bawat isa) | Mga drayber/operator na nasita o nahuli |
What happens next
Process, fees, and timeline
Follow the citizen and agency steps in order. Processing time may depend on complete submissions.
| Citizen / client steps | Agency action | Fees | Processing time | Person responsible |
|---|---|---|---|---|
| A. Pag-amin sa Paglabag sa Batas Trapiko at Pagbabayad ng Multa | ||||
| 1 Dalhin ang puting kopya ng Traffic Citation Ticket (TCT) sa Tanggapan ng Ingat-Yaman ng Lungsod (City Treasurer's Office), pagkatapos ay pumila sa kahera para sa pagbabayad ng multa. | — | wala | — | — |
| ↳ 1.1 — | Tanggapin ang bayad at magbigay ng opisyal na resibo (OR) | Ayon sa umiiral na ordinansa o itinakdang kaukulang bayarin | 10 minutes | Office of the City Treasurer |
| 2 Pumunta sa Tanggapan ng Traffic Operations at ipakita ang puting kopya ng Traffic Citation Ticket (TCT) at Opisyal na Resibo (OR) upang makuha ang kinumpiskang ID | — | wala | — | — |
| ↳ 2.1 — | Ibigay ang nakuhang ID | wala | 10 minutes | Emma Laplana |
| B. Pagbabayad ng Multa para sa Nakumpiskang Sasakyang De-Motor | ||||
| 3 Para sa pagbabayad, dalhin ang puting kopya ng Traffic Citation Ticket (TCT) sa Tanggapan ng Ingat-Yaman ng Lungsod (City Treasurer's Office), pagkatapos ay pumila sa kahera para sa pagbabayad ng multa. | — | wala | — | — |
| ↳ 3.1 — | Tanggapin ang bayad at magbigay ng opisyal na resibo (OR) | Ayon sa umiiral na ordinansa o itinakdang kaukulang bayarin | 10 minutes | Office of the City Treasurer |
| 4 Pumunta sa Tanggapan ng Traffic Operations at isumite ang mga kinakailangang dokumento. Pagkatapos kunin ang clearance at kopya ng sertipikasyon mula sa Traffic Operations Section bilang katibayan upang makuha ang nakumpiskang sasakyan | — | wala | — | — |
| ↳ 4.1 — | Ihanda ang clearance at sertipikasyon para sa pagpapalabas ng nakumpiskang sasakyang de-motor at isagawa ang pagpapalabas ng kinumpiskang sasakyan | wala | 10 minutes | Emma Laplana |
| 5 Pumunta sa pasilidad ng impounding at ipakita ang opisyal na resibo (OR) ng pagbabayad at kopya ng sertipikasyon at clearance na ibinigay ng Traffic Operations Section | — | wala | — | — |
| ↳ 5.1 — | Ipalabas ang nakumpiskang sasakyang de-motor | wala | 10 minutes | OCM - Traffic Operations Section |
| C. Mga Kaso ng Kinokontra o Tinututulang Pagkakahuli | ||||
| 6 Isumite ang mga kinakailangang dokumento. | — | wala | — | — |
| ↳ 6.1 — | Tanggapin, suriin, at itala ang mga kinakailangang dokumento | wala | 5 minutes | Emma Laplana |
| ↳ 6.2 — | Suriin ang mga larawan at/o video ng isinagawang operasyon | wala | 10 minutes | Emma Laplana |
| ↳ 6.3 — | Suriin at aprubahan o tanggihan ang kinontrang kaso | wala | 10 minutes | Donn Diego Narzabal |
| 7 Kung aprubado, magtungo sa Tanggapan na responsable sa pagpapalabas. | — | wala | — | — |
| ↳ 7.1 — | Ipalabas ang nakumpiskang sasakyang de-motor o ID | wala | 5 minutes | Emma Laplana |
| 8 Kung hindi aprubado, magtungo sa kahera ng Tanggapan ng Ingat-Yaman ng Lungsod (City Treasurer's Office) para sa pagbabayad ng kaukulang multa at dalhin ang puting kopya ng Traffic Citation Ticket (TCT) | — | wala | — | — |
| ↳ 8.1 — | Tanggapin ang bayad at magbigay ng opisyal na resibo (OR) | Ayon sa umiiral na ordinansa o itinakdang kaukulang bayarin | 10 minutes | Office of the City Treasurer |
| 9 Magtungo sa Tanggapan ng Traffic Operations at ipakita ang puting kopya ng Traffic Citation Ticket(TCT) at Opisyal na Resibo (OR) upang makuha ang nakumpiskang ID o sasakyan | — | wala | — | — |
| ↳ 9.1 — | Ipalabas ang nakumpiskang sasakyang de-motor o ID | wala | 10 minutes | Emma Laplana |
This digital guide reflects the Citizen’s Charter records published by the City Government of Tayabas. Offices may request additional supporting documents when required by law or by the particulars of a transaction.
