Skip to content
No active emergency alerts•Emergency hotlines
Office of the City Legal Officer

PAGBILI O PAGLILIPAT NG MGA ARI-ARIAN (PROPERTY ACQUISITION)

Ang City Legal Office ay nagbibigay ng legal at dokumentaryong suporta sa Pamahalaang Lungsod ng Tayabas sa proseso ng pagbili o paglilipat ng mga lupain at iba pang ari-arian na kinakailangan para sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto ng Lungsod. Kabilang dito ang pakikipag-ugnayan sa mga may-ari ng ari-arian, paghahanda at pagsusuri ng mga kaukulang kasulatan, at kung kinakailangan, paggabay sa pagproseso ng mga kinakailangang dokumento para sa pagkumpleto ng transaksiyon. Isinasagawa ang proseso sa pakikipag-ugnayan sa mga kaukulang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod at iba pang ahensiya ng pamahalaan, alinsunod sa umiiral na batas at mga tuntunin.

Highly TechnicalInternal serviceG2G

At a glance

Before you begin

Service classification

Highly Technical

Service sector

Disaster Preparedness, Safety, Peace and Order

Prepare your documents

Checklist of requirements

Bring the listed documents and secure them from the indicated office or source.

RequirementWhere to secure
Paunang Kinakailangan (Initial Submission)
Endorsement/Referral Letter (1 orihinal)
Office of the City Mayor / Requesting Office
Paunang Kinakailangan (Initial Submission)
Letter of Intent to Donate/Sell (1 orihinal)
Property Owner
Paunang Kinakailangan (Initial Submission)
Barangay Resolution kaugnay ng panukalang proyekto kung naaangkop (1 certified true copy)
Barangay
Paunang Kinakailangan (Initial Submission)
Updated Tax Declaration (1 photocopy)
Property Owner / City Assessor’s Office
Paunang Kinakailangan (Initial Submission)
Certificate of Title (1 photocopy)
Property Owner / Registry of Deeds
Proseso para sa Negosasyon (Negotiation Process)
Letter of Intent to Donate/Sell (Naipasa na bilang paunang kinakailangan)
Property Owner
Proseso para sa Negosasyon (Negotiation Process)
Certificate of Title (1 photocopy) (Naipasa na bilang paunang kinakailangan)
Property Owner / Registry of Deeds
Proseso para sa Negosasyon (Negotiation Process)
Survey Plan (1 photocopy)
Geodetic Engineer / City Architect’s Office / Property Owner
Proseso para sa Negosasyon (Negotiation Process)
Other necessary documents (1 photocopy each)
Property Owner / Kaukulang Tanggapan
Bago ang Pagbili/ Paglilipat ng Ari-arian (Pre Acquisition Process)
Magpakita ng isang Valid ID ng Property Owner
Property Owner
Bago ang Pagbili/ Paglilipat ng Ari-arian (Pre Acquisition Process)
Certificate as to Existence of Budget Appropriation and Allotment Release Order (ARO), para sa bentahan (1-photocopy bawat isa)
City Budget Office
Bago ang Pagbili/ Paglilipat ng Ari-arian (Pre Acquisition Process)
Draft of Deed of Absolute Sale (DOAS) / Deed of Donation (DOD)
City Legal Office
Bago ang Pagbili/ Paglilipat ng Ari-arian (Pre Acquisition Process)
Resolution na nagbibigay ng awtoridad sa Punong Lungsod na pumasok sa kontrata (1- original)
Sangguniang Panlungsod
Bago ang Pagbili/ Paglilipat ng Ari-arian (Pre Acquisition Process)
Iba pang kinakailangang dokumento batay sa uri ng transaksiyon
Property Owner/ Kaukulang Tanggapan

What happens next

Process, fees, and timeline

Follow the citizen and agency steps in order. Processing time may depend on complete submissions.

Citizen / client stepsAgency actionFeesProcessing timePerson responsible
A. Pagsusumite ng Paunang Kinakailangan (Initial Submission)
1
Isumite ang endorsement/ referral letter kasama ang mga paunang kinakailangang dokumento.
—wala——
↳ 1.1
—
Tanggapin at suriin ang mga dokumento upang matiyak ang pagkakumpleto ng mga pangunahing kinakailangan at itala ang kahilingan sa logbook.wala10 minutesSophia Leanne Hari
↳ 1.2
—
Ipasa ang mga dokumento sa City Legal Officer para sa pagsusuri at kaukulang aksyon.wala5 minutesSophia Leanne Hari
↳ 1.3
—
Suriin ang mga dokumento at tukuyin ang mga karagdagang dokumento o hakbang na kinakailangan para sa pagkuha ng ari-arian. Magsagawa ng pagpupulong upang maisagawa ito kung kinakailangan.wala1 working dayOffice of the City Mayor, Office of the City Legal Officer
B. Proseso para sa Negosasyon (Negotiation Process)
2
Makipag-ugnayan sa may-ari ng ari-arian kaugnay ng panukalang bentahan o donasyon.
—wala——
↳ 2.1
—
Tumulong sa Punong Lungsod sa paghahanda ng First Offer batay sa appraisal report, kung bentahan. Kung hindi katanggap-tanggap ang panukala, maghanda ng kaukulang liham hinggil sa resulta nito.wala3 working daysChristopher Juniar
↳ 2.2
—
Tumulong sa paghahanda ng counter-offer at final offer, kung bentahan at kinakailangan.wala2 working daysChristopher Juniar
3
Para sa donasyon, isumite ang Letter of Intent to Donate at iba pang kinakailangang dokumento.
—wala——
↳ 3.1
—
Suriin ang mga dokumento at ihanda ang kinakailangang legal na kasulatan para sa donasyon.wala3 working daysChristopher Juniar
C. Bago ang Pagbili/ Paglilipat ng Ari-arian (Pre Acquisition Process)
4
Magbigay ng kinakailangang impormasyon at dokumento para sa paghahanda ng Deed of Absolute Sale o Deed of Donation.
—wala——
↳ 4.1
—
Ihanda ang draft ng Deed of Absolute Sale (DOAS) o Deed of Donation (DOD), batay sa napagkasunduan at mga dokumentong isinumite.wala3 working daysChristopher Juniar, Ana Marie Baasis-Constantino
↳ 4.2
—
Sumulat upang humingi sa City Budget Office ng Certificate as to Existence of Budget Appropriation at Allotment Release Order (ARO)wala1 hourChristopher Juniar
↳ 4.3
—
Mag-isyu ang City Budget Office ng Certificate as to Existence of Budget Appropriation at ARO, kung bentahan.wala3 working daysOffice of the City Budget Officer
↳ 4.4
—
Ihanda ang mga sumusunod na dokumento at cover letter para sa paghingi ng awtorisasyon ng Sangguniang Panlungsod na makipagkontrata ang Punong Lungsod.

* Letter of intent & negotiation documents (if applicable)
* Draft of Deed
* Title
* Other necessary docs
wala1 working dayOffice of the City Legal Officer
↳ 4.5
—
I-forward sa Office of the City Mayor ang kumpletong dokumento para sa kaukulang endorsement sa Sangguniang Panlungsod.wala5 minutesChristopher Juniar
↳ 4.6
—
Magpatibay ng Resolution na nagbibigay ng awtoridad sa Punong Lungsod na pumasok sa kasunduan para sa pagtatamo ng ari-arian.wala20 working daysOffice of the Sangguniang Panlungsod
↳ 4.7
—
Tanggapin ang Resolution at itala ito para sa pagpapatuloy ng transaksiyon.wala3 minutesOffice of the City Mayor
5
Pirmahan ang kasulatan.
—wala——
↳ 5.1
—
Gumawa ng Final Draft of kasulatan. (DOAS/ DOD)wala1 working dayAna Marie Baasis-Constantino, Christopher Juniar
↳ 5.2
—
Papirmahan ang kasulatan sa Property Owner at sa City Mayorwala2 working daysChristopher Juniar
↳ 5.3
—
I-turn over sa Liaison Officer o Responsible Office ang mga nalikom at naprosesong dokumento para sa pagpapatuloy ng kaukulang proseso ng transaksyon.wala10 minutesChristopher Juniar
D. Pagbabayad at Paglilipat ng Pagmamay-ari (Acquisition Process)
6
Isumite ang mga kinakailangang dokumento para sa pagproseso ng bayad at/o paglilipat ng pagmamay-ari.
—wala——
↳ 6.1
—
Papirmahan ang inihandang Obligation Request (OBR), Disbursement Voucher (DV), at iba pang kinakailangang supporting documents.wala—Office of the City Budget Officer, Office of the City Accountant, Office of the City Treasurer, Office of the City Mayor
7
Tanggapin ang 1st Payment (50%) alinsunod sa mga napagkasunduan sa kasulatan, kung bentahan.
—wala——
↳ 7.1
—
Iproseso at i-release ang Check Payment alinsunod sa mga umiiral na patakaran at sa mga kondisyon ng kasulatan.Ayon sa napagkasunduang halaga.—Office of the City Treasurer
↳ 7.2
—
Kung Donasyon, Tanggapin ang Check Payment na siyang gagamiting pambayad sa paglilipat ng pagmamay-ari ng inaasikasong titulo.wala—Liaison Officer/ Responsible Office
8
Isumite ang Titulo ng Lupa at iba pang kinakailangang dokumento para sa pagproseso ng paglilipat ng pagmamay-ari.
—wala——
↳ 8.1
—
Tanggapin para sa pagpo-proseso ang mga dokumentong kinakailangan para sa BIR, City Treasurer’s Office, Registry of Deeds, at iba pang kaukulang tanggapan.wala5 minutesLiaison Officer/ Responsible Office
E. Magbayad ng Capital Gain Tax at Documentary Stamp Tax sa BIR. Matapos nito ay tanggapin ang Certificate Authorizing Registration (CAR) kasama ang OR at iba pang pinasang dokumento.
F. Pumunta sa Treasurer’s Office upang magbayad ng Transfer of Tax/ or Issuance of Certificate of Exemption dala-dala ang mga requirements.
9
Isumite ang mga dokumento kung kinakailangan.
—wala——
↳ 9.1
—
Magtungo sa Registry of Deeds dala ang mga kinakailangang dokumentowala—Liaison Officer/ Responsible Office
↳ 9.2
—
Ipakwenta ang Registration Fee at ihanda ang mga kinakailangang dokumento.wala—Registry of Deeds
↳ 9.3
—
Kung LGU ang magbabayad, muling gawin ang hakbang sa Step 6 at 7 (for Deed of Donation)wala—Liaison Officer/ Responsible Office
↳ 9.4
—
Bayaran ang Registration FeeAyon sa umiiral na schedule of fees—Liaison Officer/ Responsible Office
↳ 9.5
—
Tanggapin ang bagong Transfer Certificate of Title (TCT) na nakapangalan sa Pamahalaang Lungsod ng Tayabas.wala—Registry of Deeds
↳ 9.6
—
Iproseso ang pag-update ng Tax Declaration sa City Assessor’s Office.wala1 working day, 5 hours and 40 minutesOffice of the City Assessor
10
Tanggapin ang Final payment (50%) kung bentahan.
—wala——
↳ 10.1
—
Muling isagawa ang Step 6 upang maiproseso ang Final Payment.wala—Office of the City Budget Officer, Office of the City Accountant, Office of the City Treasurer, Office of the City Mayor
↳ 10.2
—
Pagbibigay ng 2nd/ Final check payment.Ayon sa napagkasunduang halaga/ schedule fees.—Office of the City Treasurer
G. Matapos ang Pagbili/ Paglilipat ng Ari-arian ( Post-Acquisition Process)
11
Tumulong sa pagkumpleto ng dokumento.
—wala——
↳ 11.1
—
Maghahanda ang Liaison Officer/ Responsible Office ng liham ng pagpapasa (Transmittal Letter) at iaabot sa General Services Office (GSO) para sa wastong pag-iingat at pangangalaga ang mga sumusunod na dokumento, tig-iisang kopya ng bawat isa:
• Orihinal na Kopya ng Titulo ng Lupa ng May-ari (Owner’s Copy of Transfer Certificate of Title);
• Orihinal na Kopya ng Tax Declaration;
• Orihinal na Kopya ng Deed of Absolute Sale; at
• Iba pang kinakailangang dokumentong ginamit kaugnay ng transaksiyon.
Hihingi ng katibayan ng pagtanggap mula sa General Services Office (GSO) bilang patunay na natanggap at naiturn-over ang mga nasabing dokumento.
wala—Property Owner/ Liaison Officer/ Responsible Office

This digital guide reflects the Citizen’s Charter records published by the City Government of Tayabas. Offices may request additional supporting documents when required by law or by the particulars of a transaction.