Skip to content
No active emergency alerts•Emergency hotlines
Office of the Human Resource Management Officer

PAGPAPASA NG APPLIKASYON PARA SA TRABAHO

Ang Pagpapasa ng Aplikasyon para sa Trabaho ay proseso ng pagsusumite ng aplikante ng kumpleto at kinakailangang dokumento para sa isang bakanteng posisyon sa Lokal na Pamahalaan ng Tayabas. Ito ay nagsisilbing unang hakbang sa recruitment at selection process upang matukoy ang mga aplikanteng nakatutugon sa itinakdang Qualification Standards ng posisyon at mga umiiral na patakaran ng Civil Service Commission. Layunin ng prosesong ito na matiyak na ang lahat ng kwalipikadong aplikante ay mabibigyan ng pantay na pagkakataon na makapag-aplay at maisailalim sa nararapat na pagsusuri at proseso ng pagpili batay sa merit at fitness, alinsunod sa mga patakaran ng Civil Service Commission.

SimpleExternal serviceG2C

At a glance

Before you begin

Service classification

Simple

Service sector

Core Governance and Institutional Development

Prepare your documents

Checklist of requirements

Bring the listed documents and secure them from the indicated office or source.

RequirementWhere to secure
Liham ng Pag-aaplay sa Posisyon (4 orihinal)Aplikante
Fully Accomplished Personal Data Sheet (CSC Form No. 212, Revised 2026) (4 orihinal )Human Resource Management Office/ Maaaring i-download sa: https://csc.gov.ph/downloads/category/540-csc-form-212-revised-2025-personal-data-sheet
Work Experience Sheet (If applicable) (4 orihinal)Human Resource Management Office/ Maaring i-download sa: https://csc.gov.ph/downloads/category/540-csc-form-212-revised-2025-personal-data-sheet
Training certificates (4 na kopya)Aplikante
Transcript of records/diploma (4 na kopya)Aplikante
Certified True Copy of Individual Performance Commitment Rating (kung kinakailangan) (4 na kopya)Aplikante
Certificate of eligibility/rating/license. (4 na kopya)Civil Service Commission/ Professional Regulatory Commission

What happens next

Process, fees, and timeline

Follow the citizen and agency steps in order. Processing time may depend on complete submissions.

Citizen / client stepsAgency actionFeesProcessing timePerson responsible
1
1. Magsumite ng aplikasyon kasama ang lahat ng kinakailangang kalakip na dokumento.
—wala——
↳ 1.1
—
Tanggapin at kilalanin ang mga aplikasyon mula sa mga aplikante nang walang pagtatangi batay sa edad, kasarian, seksuwal na oryentasyon at pagkakakilanlang pangkasarian, katayuang sibil, kapansanan, relihiyon, etnisidad, o paniniwalang politikal, maging ito man ay ipinadala sa pamamagitan ng koreo, online (e-mail at social media), o personal na isinumite (walk-in).

(a) Kung ang aplikante ay isang taong may pisikal na kapansanan, ang kanyang aplikasyon ay tatanggapin sa tulong ng Public Assistance Counter and Complaint Desk (PACCD) na matatagpuan sa Ground Floor ng City Hall, kung kinakailangan.

(b) Para sa mga aplikanteng may kapansanan sa pagsasalita, pandinig, o paningin, hihingi ng teknikal na tulong mula sa CSWDO-PWD at SPED ng Tanggapan ng City Division ng Tayabas at/o iba pang naaangkop na institusyon, kung kinakailangan.
wala15 minutesAira Tabernilla, Harlene Divinagracia, Coleen Franchesca Abadilla
↳ 1.2
—
Suriin ang mga dokumentong isinumite ng mga aplikante ayon sa kinakailangang kumpletong dokumentasyon.wala10 minutesAira Tabernilla, Coleen Franchesca Abadilla, Harlene Divinagracia
↳ 1.3
—
Ipabatid sa aplikante ang kalagayan o status ng kanyang aplikasyon.wala5 minutesColeen Franchesca Abadilla, Harlene Divinagracia, Aira Tabernilla

This digital guide reflects the Citizen’s Charter records published by the City Government of Tayabas. Offices may request additional supporting documents when required by law or by the particulars of a transaction.