Skip to content
No active emergency alerts•Emergency hotlines
Office of the City Treasurer

PAGPAPALABAS/PAG-IISYU NG MGA TSEKE

Ang mga pagbabayad na saklaw ng Disbursement Vouchers ay karaniwang isinasagawa sa pamamagitan ng tseke, at ang maliliit na halaga lamang ang maaaring bayaran nang cash sa pamamagitan ng petty cash fund. Sa pagtanggap ng Disbursement Voucher para sa pagbabayad, susuriin ng Ingat-yaman ng Lungsod ang pagiging wasto ng mga sertipikasyon at pag-apruba na kinakailangan dito. Kung kumpleto ang mga kinakailangan, ang Ingat-yaman ng Lungsod ay maglalabas ng tseke bilang kabayaran at ito ay lalagdaan din ng Alkalde ng Lungsod, Administrator ng Lungsod, o Pangalawang Alkalde ng Lungsod. Ang mga tseke ay dapat palaging nakapangalan sa isang tiyak na tao o entidad at hindi kailanman dapat gawin na payable sa “cash” o “bearer.”

SimpleExternal serviceG2C

At a glance

Before you begin

Service classification

Simple

Service sector

Financial Administration and Sustainability

Prepare your documents

Checklist of requirements

Bring the listed documents and secure them from the indicated office or source.

RequirementWhere to secure
Disbursement Voucher signed by City Accountant at iba pang dokumentong kinakailangan(2 Original)Mga kliyente, opisyal at empleyado

What happens next

Process, fees, and timeline

Follow the citizen and agency steps in order. Processing time may depend on complete submissions.

Citizen / client stepsAgency actionFeesProcessing timePerson responsible
1
Isumite ang Disbursement Voucher kalakip ang mga kinakailangang dokumentong nilagdaan nang maayos ng kinauukulang Pinuno ng Tanggapan, Opisyal sa Badyet, at Accountant.
—wala——
↳ 1.1
—
Suriin ang mga dokumento kung kumpleto pati ang mga kailngang pirma.wala5 minutesJayvee Lubiano, Mariel Mabuting
↳ 1.2
—
Ipapasa ng mga nakatalagang empleyado ang Disbursement Voucher sa awtorisadong opisyal na tagapag-apruba (Alkalde ng Lungsod, Administrator ng Lungsod, o Pangalawang Alkalde ng Lungsod).wala5 minutesJayvee Lubiano, Mariel Mabuting
2
Isumite ang voucher sa Tanggapan ng Ingat-yaman para sa paghahanda at pagproseso ng tseke
—wala——
↳ 2.1
—
Beripikahin ang pagkakumpleto ng mga kinakailangang lagda sa mga Disbursement Voucher.wala5 minutesCelina Oabel
↳ 2.2
—
Ihanda ang Tsekewala1 minuteCelina Oabel
↳ 2.3
—
Itala ang lahat ng inilabas na tseke sa tamang pagkakasunod-sunod ng mga numero sa talaan ng Daily Checks Issued at ipinapasa ito sa City Accountant para sa paghahanda ng Accountant's Check Advice ukol sa Paglalabas ng mga Lokal na Tsekeng Bayad.
Itinatala ang lahat ng inilabas na tseke sa tamang pagkakasunod-sunod ng mga numero sa talaan ng Daily Checks Issued at ipinapasa ito sa City Accountant para sa paghahanda ng Accountant's Check Advice ukol sa Paglalabas ng mga Lokal na Tsekeng Bayad.
wala1 minuteCelina Oabel
↳ 2.4
—
Itala ang serial number ng mga inilabas na tseke sa Disbursement Voucher kaagad pagkatapos maihanda ang tseke upang maiwasan ang posibleng muling paggamit nito.
Itinatala ang serial number ng mga inilabas na tseke sa Disbursement Voucher kaagad pagkatapos maihanda ang tseke upang maiwasan ang posibleng muling paggamit nito.
wala1 minuteCelina Oabel
↳ 2.5
—
Itala ang tseke sa Check Register at ipasa ito sa Ingat-yaman para sa lagda.wala1 minuteJayvee Lubiano, Mariel Mabuting
↳ 2.6
—
Pirmahan ang tsekewala1 minuteBenilda De Guzman
↳ 2.7
—
Ipadala ang tseke kasama ang Disbursement Voucher sa Alkalde/Administrator ng Lungsod o Pangalawang Alkalde para sa paglalagay ng kontra-lagda sa tseke.
Ibigay ang tseke sa tagatanggap o benepisyaryo.
wala5 minutesJayvee Lubiano, Mariel Mabuting
↳ 2.8
—
Ang tseke ay ilalabas lamang sa payee o sa kanyang awtorisadong kinatawan. Sa pagtanggap ng tseke, kinakailangang mag-isyu ang payee ng Opisyal na Resibo (Official Receipt) para sa natanggap na bayad at ilagay ang kanyang lagda at petsa ng pagtanggap.wala4 minutesJayvee Lubiano, Mariel Mabuting
↳ 2.9
—
Ikabit ang Opisyal na Resibo na inisyu ng payee/supplier sa orihinal na Disbursement Voucher kasama ang carbon copy ng tseke.wala1 minuteJayvee Lubiano, Mariel Mabuting

This digital guide reflects the Citizen’s Charter records published by the City Government of Tayabas. Offices may request additional supporting documents when required by law or by the particulars of a transaction.