Ingco-Tayabas Branch, Pormal nang Binuksan sa Barangay Angeles Zone-IV
Published by
Tayabas City CICRO

NAGBUKAS NA SA PUBLIKO AT HANDA NANG MAGLINGKOD ANG INGCO-TAYABAS BRANCH MATAPOS ISAGAWA ANG KANILANG GRAND STORE OPENING ngayong Miyerkules, September 16, 2026.
Si Rev. Msgr. Dennis Imperial ang naggawad ng pagbabasbas sa bagong gusali ng Ingco-Tayabas sa Barangay Angeles Zone-IV. Samantalang ginampanan nina Mayor Piwa Lim at ng mga may-ari nito na sina Mr. Enrico and Mrs. Denise Labita ang Ribbon Cutting Ceremony.
Dumalo rin sa nasabing okasyon si INGCO Philippines owner Steven Andrew Yang. Gayundin sina Mrs. Minda Alcalen-Lim, Konsehal Dino Romero, Konsehal Jerry Talaga, Konsehal Jerry Caagbay, Konsehal Riza Llaneta, Konsehal Ana Obispo, Konsehal Luz Cuadra, PKB President Conrado Aragon, at SK Federation President Ren Miguel Obdianela.
Ang pagbubukas ng Ingco-Tayabas ay simbolo ng patuloy na pag-unlad ng pangangalakal sa Lungsod ng Tayabas at panibagong dagdag sa mga establisyementong maaaring mabilhan ng mga produktong pang-konstruksiyon, pagkukumpuni, at iba pang gawaing nangangailangan ng mga kagamitan at kasangkapan.
#LungsodnaInyongMaipagmamalaki
Source: Tayabas City CICRO - City Information and Community Relations Office
Photo report
Scenes from the story







Source
Tayabas City CICRO
